Suspek sa umano’y umabuso, gumahasa sa dating kasintahan arestado ng NBI
Inaresto ng National Bureau of Investigation Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTC) ang isang suspek matapos siyang akusahan ng kanyang dating kasintahan ng rape at physical abuse.
Ang suspek na si Daniel Macarian ay inaresto sa isang silid ng hotel at nakuhanan umano ng hinihinalang shabu, marijuana, at 2 replica na baril na ginamit umano upang takutin ang biktima sa panahon ng pananakit.
Sinabi ng complainant na isang buwan siyang karelasyon ng suspek nang magsimula itong pisikal na abusuhin.
Sa krimen, sinabi niyang hinampas siya ng helmet at paulit-ulit na binugbog bago umano siya ginahasa.
“Sinuntok siya sa mukha at siya ay nawalan ng malay at dito na siya sinimulan na abusuhin,” said NBI-AOTCD Chief Atty. Jerome Bomediano.
Kakasuhan ang suspek ng rape sa ilalim ng revised penal code, gayundin ng paglabag sa RA9262 o Violence Against Women and Children Act, at paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.
Wala pang komento ang suspek sa usapin hanggang sa oras ng pag-post