December 23, 2024

World Combat Games sa Saudi Arabia 19 Filipino athletes isasali

0
Spread the News

Magpapadala ang Pilipinas ng 19 na atleta sa 2023 World Combat Games na nakatakda sa Oktubre 20 hanggang 30 sa King Saud University Arena sa Riyadh, Saudi Arabia.
Pangungunahan ng mga bronze medalist ng Hangzhou Asian Games na sina Jenna Kaila Napolis (ju-jitsu) at Jones Inso at Clemente Tagubara Jr. (wushu) ang kampanya sa torneo na gaganapin sa Middle East sa unang pagkakataon.
“I will do my best,” ani Napolis, na namuno sa women’s -52kg event noong Cambodia SEA Games noong Mayo.
Maglalaban din sina SEA Games gold medalists Agatha Wong (wushu) at Gretel De Paz (kickboxing), silver medalist Renalyn Dacquel (kickboxing), at bronze medalists Philip Delarmino (muay thai) at Darius Venerable (taekwondo).
Ang iba sa line-up ay sina Fierre Afan at Maria Aisa Ratcliff (grappling); Rudzma Abubakar, Islay Bomogao, Arnel Lampacan, Alyssa Mallari, Edzel Ngina at Rhichien Yosorez (muay thai); Justin Kobe Macario at Faye Crisostomo (taekwondo); at Thornton Sayan (wushu).
May kabuuang 1,657 atleta (913 lalaki at 744 babae) mula sa 80 bansa ang sasabak sa 16 na palakasan, katulad ng aikido, boxing, fencing, judo, ju-jitsu, karate, kendo, arm wrestling, kickboxing, Muaythai, sambo, savate (French boxing), sumo, taekwondo, wrestling, at wushu.
Ang Wrestling ang may pinakamaraming bilang ng mga entry sa 288 na sinundan ng fencing (144), ju-jitsu (136), aikido (100), arm wrestling (96), karate (96), kickboxing (96), Savate (92), sambo (88), taekwondo (88), Muaythai (88), judo (84), sumo wrestling (80), wushu (80), Kendo (69) at boxing (32).
Ang inaugural Para Combat Games ay gaganapin din kung saan 56 na mga atleta (38 lalaki at 18 babae) ang sumali sa ju-jitsu (24), arm wrestling (16), Muaythai (8), at sambo (8).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *