December 16, 2024

Window hours para sa number coding scheme sa Metro Manila aalisin na -MMDA

0
Spread the News

Ang window hours para sa number coding scheme sa Metro Manila ay posibleng maalis na, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules.
Sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na naaprubahan na ang naturang resolusyon noong Oktubre 6, ngunit hindi pa ito maipapatupad dahil nagsasagawa pa ng pag-aaral ang ahensya sa posibleng epekto nito.
“Iyon pong sa number coding, iyon pong resolution na ating napa-approve ay aalisin na po ang window period. So ang magiging coding po ay 7 a.m. to 7 p.m.,” sabi ni Artes.
“Inahahanda lang po namin ito para kung sakali kailangan, lalong lalo na kung sobra ang pagbigat ng daloy ng trapiko ay atin pong kaagad na i-enforce,” he added.
Ayon kay Artes, babantayan ng MMDA ang sitwasyon ng trapiko mula Nobyembre 6 hanggang Nobyembre 12 bago magdesisyon.
Noong Martes, nilinaw ng MMDA na mananatili ang window hours at itinanggi ang mga ulat ng 7 a.m. hanggang 7 p.m. pagbabawal ng coding.
Sa kasalukuyan, ang regular na MMDA number coding ay mula 7 a.m. hanggang 10 a.m. at 5 p.m. hanggang 8 p.m. Lunes hanggang Biyernes, maliban sa katapusan ng linggo at pista opisyal. Ang mga oras ng window ay mula 10:01 a.m. hanggang 4:59 p.m.
Sa Makati City, ang number coding scheme ay mula 7 a.m. hanggang 7 p.m., na walang window hours.
Samantala, sinuspinde ng MMDA ang expanded number coding scheme sa mga sumusunod na special non-working holidays

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *