Preventive suspension kay MMDA TFSO chief Nebrija hindi parusa
Isasailalim sa preventive suspension si MMDA TFSO Chief Nebrija ito ang pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes nitong Miyerkules ng hapon.
Sinabi ni Artes na masususpinde si Nebrija para matiyak ang patas na imbestigasyon sa isyu. Ipinaliwanag niya na hindi ito parusa kay Nebrija.
“Ang decision and we discussed it kanina, we will suspend Col. Nebrija pending the investigation sa nangyari,” Sinabi ni Artes sa isang press conference sa Senado kasama sina Nebrija at Senator Bong Revilla.
Ito, matapos iulat ni Nebrija na nahuli si Revilla dahil sa paggamit ng EDSA bus lane. Itinanggi naman ng senador na may nangyaring ganoong insidente.
“My daily commute is from south to the Senate at walang posibilidad na makapunta ako sa EDSA sa Mandaluyong. Kapag dumadalo sa mga opisyal na gawain sa hilaga, sumasakay ako sa Skyway mula at pabalik sa timog, “dagdag niya.