December 21, 2024

Optimistikong dayalogo ng LTFRB sa PISTON ang magwawakas sa welga

0
Spread the News

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ay magtakda ng isang dialogue kasama ang transport group na PISTON ng ayong Lunes ng hapon, sabi ng chairman , at idinagdag na umaasa siyang ang transport strike laban sa pinangangambahang pag-phaseout ng mga tradisyunal na jeepney ay hindi lalawig hanggang Martes.
Sa panayam kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III sinabi nito na nakipag-ugnayan na siya kay PISTON president Mody Floranda.
“Ngayong hapon, magkakaroon tayo ng dialogue sa PISTON. Aanyayahan ko silang muling bisitahin ang programa at maghanap ng mga paraan na mas matutulungan pa natin sila sa paglipat mula sa tradisyunal na jeepney patungo sa modernized jeepney,” Saad nito ,
Idinagdag niya na ang pagpapalit ng mga tradisyunal na jeepney ay “malayo, malayo” at mga dalawa hanggang tatlong taon ang layo.
Pahayag ni Guadiz na naghanda ang gobyerno ng 250 sasakyan para matulungan ang mga commuters na maaaring ma-stranded sa strike ngunit hindi rin umano nababantayan ng LTFRB ang “shortage” ng mga jeepney at bus sa mga ruta ng transportasyon.
Aniya, umaasa siyang matatapos na ang welga sa Lunes at sinabing “sa huli, (mga jeepney driver) ang maaapektuhan” sa pagkawala ng kanilang kita kung patuloy silang magwelga.
PAGSASAMA NG PRANCHISE
Tutol ang mga driver at operator sa programa ng gobyerno na palitan ng mga bagong sasakyan ang mga jeepney na nagkakahalaga ng aabot sa P2.5 milyon at ang pangangailangan na bumuo sila ng mga korporasyon at kooperatiba para makakuha ng mga bagong prangkisa sa transportasyon.
“Ang franchise consolidation ay phaseout,” Sinabi ng PISTON Lunes ng umaga, idinagdag na magpapatuloy ang strike.
“Ang franchise consolidation ay pagbawi at pag-masaker sa mga indibidwal ng prangkisa at pagpapasa nito sa mga malalaking transport corporation na sila lang ang may kapasidad na magbayad at sumunod sa mga pakana ng gobyerno.”
Sinabi ni Guadiz na ang pagsasama-sama ng prangkisa ay isang panimula sa fleet modernization na makikita ang tuluyang pagpapalit ng mga jeepney ngunit magpapabago rin sa sistema ng transportasyon.
Aalisin aniya nito ang boundary system — kung saan kumikita lamang ang mga driver pagkatapos nilang maabot ang fixed “boundary” na halaga na napupunta sa jeepney operator — pabor sa fixed salaries para sa mga driver.
“Kapag bumuo sila ng kooperatiba, ang kooperatiba ang magbibigay sa kanila ng suweldo… fixed salary,” Guadiz said, adding this would come with government social benefits and subsidies.
“Ginagawang malaking negosyo ang simpleng kabuhayan ng ordinaryong Pilipino,” Sinabi ng PISTON tungkol sa scheme.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *