VP Sara hindi karapat-dapat na ma-impeach – Marcos
Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes (PH time) na hindi karapat-dapat si Bise Presidente Sara Duterte na ma-impeach sa gitna ng pahayag ng isang mambabatas na pinag-uusapan ito ng ilang miyembro ng House of Representatives.
“Binabantayan namin nang mabuti (We’re closely monitoring this) because we don’t want her to be impeached, we don’t want her to… she does not deserve to be impeached so we will make sure that this is something we will bigyang-pansin,” sabi ni Marcos sa panayam ng mga mamamahayag dito.
Sinabi ni Marcos na ang pag-uusap sa impeachment ay hindi pangkaraniwan dahil “maraming elemento na gustong baguhin ang resulta ng isang halalan.”
Inilarawan din niya ang kanyang relasyon kay Duterte bilang “mahusay.”
“Sa isang propesyonal na antas, walang iba kundi ang magagandang bagay na masasabi tungkol sa gawaing ginawa niya sa Kagawaran ng Edukasyon,” sabi ni Marcos tungkol sa kanyang running-mate sa 2022 national elections.
Sinabi rin ni Marcos na sa personal na antas, sila ni Duterte ay nagkakasundo.
Sa isang panayam sa medida noong nakaraang linggo, sinabi ni ACT Teachers party-list Representative France Castro na pinag-uusapan ng ilang lider ng political parties sa Kamara ang tungkol sa impeachment kay Duterte.
Gayunman, itinanggi ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na may ganoong pag-uusap.