Mastermind sa pamamaril sa bus, itinuro ang anak ng biktima – Gunman
Tinukoy ng isang umano’y gunman sa pagkamatay ng mag-asawa sa loob ng isang bus sa Caranglan, Nueva Ecija ang anak ng babaeng biktima bilang utak sa likod ng pamamaril.
Sinabi ni Allan delos Santos, isa sa dalawang suspek sa insidente, ang mga awtoridad kasunod ng pagkakaaresto sa kanya sa bayan ng Dilasag sa Aurora.
Narekober ng mga pulis kay Delos Santos ang camouflage uniform na suot umano nito sa pamamaril. Si Delos Santos ay napaulat na miyembro ng isang gun-for-hire group.
“Base sa nagbigay ng extrajudicial confession, inamin niya na ang pagpatay ay napagplanuhan noong September. Nagbigay ng initial payment base sa pag-uusap nila noong September.,” ani Police Colonel Richard Caballero, director ng Nueva Ecija provincial police.
Inamin ni Delos Santos na binayaran siya ng mastermind ng tig-P60,000 para sa krimen, ani Caballero.
Kasalukuyang nahaharap sa kasong parricide ang sinasabing mastermind.
“With regard doon sa anak, lumalabas na in-implicate siya doon sa case, ‘yung motibo na tinignan natin, initially nu’ng nag-start tayo ng investigation, ‘yung filing ng robbery at carnapping ng victim na babae sa sarili niyang anak. “sabi ni Caballero.
“Tungkol sa anak ng biktima, mukhang nadawit siya sa kaso. Hinahanap pa namin ang posibleng motibo, pero sisimulan na namin ang imbestigasyon sa kasong robbery at carnapping na isinampa ng biktima laban sa kanyang anak.
Sa nakaraang panayam noong Nobyembre 25, itinanggi niya ang pagkakasangkot sa pamamaril at umapela sa publiko na itigil ang pagdadawit sa kanya.
Naging viral sa social media ang video ng insidente.
Makikita sa video ang pamamaril ng mga armadong lalaki sa ulo at leeg ng mga biktima nang malapitan.
Samantala, kinilala ang mga biktima na isang 60-anyos na babae mula sa Cauayan, Isabela, at isang 55-anyos na lalaki mula sa South Cotabato.
Batay sa ulat ng pulisya, binabagtas ng bus ang bulubunduking bahagi ng Barangay Minuli, Carranglan nang pagbabarilin ng mga armado ang mga biktima alas-12:50 ng tanghali. noong Nobyembre 15.
Nauna nang tinukoy ng pulisya ang anak ng babaeng biktima bilang posibleng person of interest.