December 23, 2024

Cameroonian nasakkote dahil sa umano’y link sa black dollar-yen-peso scam

0
Spread the News

Isang Cameroon national ang inaresto dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa black dollar-yen-peso scam. ayon sa ulat na nakalap ng JS writers team.

Nag-aalok umano ang suspek na paramihin ang dayuhang pera ng kanyang mga biktima.
Isang complainant ang nagbigay ng hudyat sa mga tauhan ng Manila Police District Theft and Robbery Section na arestuhin ang suspek.

Sinabi ng pulisya na ang suspek na si John Madison Salifu, ay bahagi ng grupong inaresto noong nakaraang linggo ng CIDG dahil sa kaparehong scam at pagkakaroon ng mga pekeng bill sa Makati.

“Pinipili niya ang mga Pilipinong madaling lokohin, madaling kaibiganin at magtitiwala sa kanya. May dala siyang papel, tapos yung kemikal, ipapatong ngayon yung dollar, yung yen ipapatong bubuhusan ng kemikal. At yun parang trick sir, nagmumukhang pera rin, nagmumukhang yen. yun ang sinasabi nila sa bibiktimahin nila do-double nga yung money,”  pahayag ni  MPD Theft and Robbery Section Chief Police Lieutenant Gary Gading.
Sinabi ng biktima na kinaibigan siya ng suspek sa pamamagitan ng social media at pagkatapos ay inalok na paramihin ang yen sa kanyang pag-aari.

Nakuha umano ng suspek ang kabuuang tatlong milyong yen na katumbas ng P3 milyon.

“Nagreklamo siya, kinuha ko ang pera, nagsisinungaling siya,” sabi ng suspek, na sinampahan ng kasong swindling at estafa.

“Yung mga nabiktima nitong foreigner na ito, pumunta na kayo dito sa himpilan ng Manila Police District para sampahan natin ng kaukulang reklamo,”  banggit ni Police Major Philipp Ines, MPD Spokesperson.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *