Anak, Ina huli sa pagnanakaw ng pera sa nakaparadang sasakyan
Naaresto ang isang 15-anyos na menor de edad at ang kanyang ina dahil sa umano’y pagnanakaw ng pera na nagkakahalaga ng P122,000 mula sa isang nakaparadang sasakyan habang ginawa ang operasyon ng pulisya sa Quezon City.
Ayon sa ulat nakilala ang suspek ng isang empleyado ng isang tindahan sa Barangay Culiat kung saan nakaparada ang sasakyan.
Iniwan umano ng may-ari ng sasakyan na naka-unlock ng ilang minuto para buksan ang tindahan nang kunin ng suspek ang bag.
Sa follow-up operation ay naaresto ang suspek at ang kanyang ina, na may hawak ng bag at ang natitirang P40,000 ng nakaw na pera.
Ang menor de edad na suspek ay mahaharap sa kasong pagnanakaw at ibibigay sa mga social worker, habang ang ina ay sasampahan ng paglabag sa Anti-Fencing law.
“Wag hayaang nakaiwan ng matagal ang sasakyan. Hanggat maaari ilock natin ang mga sasakyan natin para di tayo maging biktima ng ganitong mga modus,” said Holy Spirit Police Station commander Police Lieutenant Colonel May Genio.