December 17, 2024

Linya ng PNR sa TuTuban-Alabang magsasara sa kalagitnaan ng mid January 2024

0
Spread the News

Magsisimula sa kalagitnaan ng Enero sa susunod na taon ang nakaplanong limang taong pahinga ng operasyon ng Philippine National Railways’ (PNR) Tutuban hanggang Alabang line  ito ang  sinabi ni general manager  Jeremy Regino.

“Ihihinto natin ang buong linya sa Metro Manila sa kalagitnaan ng Enero. Ang pagsasara ng Enero ay hindi makakaapekto sa pagkumpleto ng proyekto dahil ginagawa ang mga paghahanda, kaya walang oras na walang ginagawa,” Banggit ni Regino sa 43 taunang ASEAN Railway CEO’s Conference sa Makati City.

Noong huling bahagi ng Hunyo, sinabi ng hepe ng PNR na ang pansamantalang pagsasara ng Tutuban hanggang Alabang ng linya ng riles at ang vice versa na ruta ay ililipat pagkatapos ng Pasko sa halip na Oktubre, habang hinihintay ang pagpirma ng mga kontrata para sa pagtatayo ng North-South Commuter Railway (NSCR) proyekto.

Noong Hulyo, ang ruta ng Alabang hanggang Calamba ng riles ay tumigil sa operasyon upang bigyang-daan ang pagtatayo ng NSCR. Kabilang sa mga apektadong istasyon ang Muntinlupa, San Pedro, Pacita Main Gate, Golden City, Biñan, at Sta. Rosa, Cabuyao, Mamatid, at Calamba.

Sinabi ni Regino na ang pagsasara ng rutang Tutuban hanggang Alabang ng PNR ay makakaapekto ng hanggang 35,000 araw-araw sa panahon ng peak holiday season.

Binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang tatlong ruta para sa mga operator ng public utility vehicle—mga bus at modernong jeep—para matulungan ang mga commuters na apektado ng pagsasara ng ilang istasyon ng PNR.

Sinabi rin ni Regino na pinabibilis ng LTFRB ang pagbibigay ng mga espesyal na prangkisa para sa karagdagang mga bagong ruta na maaapektuhan ng pagsasara ng PNR.

Ang pagtatayo ng NSCR, isang 147-kilometrong urban railway network na nagdudugtong sa Metro Manila sa Pampanga at Laguna, ay inaasahang tatagal ng humigit-kumulang limang taon hanggang 2028.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *